Pagputol ng 1-libo puno sa Baguio haharangin

MANILA, Philippines - Hiniling ng isang mambabatas na imbestigahan na sa Kamara ang plano ng Camp John Hay Development Corp. na tanggalin ang may isang libong puno upang paboran ang pagtatayo ng mga luxury homes at mga gusali sa Baguio City.

Sa inihaing resolution ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, hiniling nito na kumilos ang House Committee on Metro Manila Development Authority upang imbestigahan ang nasabing ulat.

Ipinabubusisi din ni Rod­riguez kung may sapat na permit ang Camp John Hay Development Corp. at pinayagan ito ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na putulin ang may isang libong puno

Show comments