Pinay patay sa Oakland shooting!
MANILA, Philippines - Isang Pinay ang kabilang umano sa pito katao na minalas na masawi sa naganap na pangho-hostage at pamamaril ng isang dating kaklaseng Korean sa loob ng isang unibersidad sa Oakland, California, USA noong Lunes.
Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez, hinihintay na nila ang report mula sa Philippine Consulate sa San Francisco hinggil sa insidente ng pagkakapaslang sa Pinay na nakilalang si Kathleen Ping, 24 anyos at nagtatrabaho bilang sekretarya sa Oikos University sa Oakland.
Sa unang ulat na nakarating sa DFA, nauna umanong hinostage ng suspect na si One Goh,43, isang Korean-American si Ping at saka isinunod ang iba pang nursing student at sama-samang pinapila sa pader at saka isa-isang pinagbabaril sa loob ng classroom.
Sa paunang imbestigasyon ng California Police, nabatid na posibleng paghihiganti ang motibo ng pamamaril ni Goh sa mga biktima na naging kaklase nito dahil sa umanoý inabot na pangungutya at pang-iinsulto sa kanyang pagsasalita ng English.
Nabatid na si Goh na tubong South Korea ay naging kaklase umano ng mga biktima.
Si Ping na may isa umanong 4-anyos na anak ay nag-migrate sa US noong 2007 kasama ang kanyang ina at mga kapatid.
Matapos ang naganap na karumal-dumal na pagpatay, agad na naaresto si Goh ng pulisya at nahaharap sa kasong 7 counts of murder, 3 counts ng attempted murder, isang count ng kidnapping at carjacking.
- Latest
- Trending