^

Bansa

Informal sector target ng SSS

-

MANILA, Philippines - Hinihikayat ngayong maging miyembro ng Social Security System ang tinatayang 10.5 milyong kabilang sa informal sector sa buong bansa.

Sa programang Talking Points na ginanap sa Philippine Information Agency, sinabi ni SSS Vice President for Lending and Asset Management Luz Generoso na mahala­gang makinabang din sa mga benepisyong hatid ng kanilang ahensya ang mga kabilang sa sektor na ito.

Kabilang aniya sa mga benepisyong ito ang SSS pension, sickness, disability, maternity, old age at death benefit.

Tinatayang aabot sa 10.5 milyon sa buong bansa ang kabilang sa underground economy o informal sector na patuloy pang dumarami dahil sa rural-urban migration base sa 2008 Informal Sector Survey ng National Statistics Office.

Kabilang sa sektor na ito ang mga self-employed na walang binabayarang empleyado o employer sa sarili at maliit na negosyo.

Idinagdag pa ni Gene­roso na malaki rin ang maitutulong ng kontribusyon na makukuha mula sa informal sector upang higit na mapalago pa ang pondo ng SSS.

Sa ngayon, aabot sa 29 milyon ang mga registered member ng SSS kung saan 10 milyon lamang dito ang aktibo sa pagbabayad ng kani-kanilang kontribusyon sa ahensya, pahayag ni Generoso.

GENEROSO

HINIHIKAYAT

INFORMAL SECTOR SURVEY

KABILANG

LENDING AND ASSET MANAGEMENT LUZ GENEROSO

NATIONAL STATISTICS OFFICE

PHILIPPINE INFORMATION AGENCY

SOCIAL SECURITY SYSTEM

TALKING POINTS

VICE PRESIDENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with