^

Bansa

Mga driver ng LPG taxi nagkakasakit na sa baga

- Nina Butch Quejada at Gemma Garcia -

MANILA, Philippines - Naalarma ang isang mambabatas dahil sa pagtaas ng kaso ng pulmonary diseases sa mga driver ng taxi na gumagamit ng liquefied petroleum gas (LPG) bilang alternatibong gasolina.

Ayon kay Ang Kasangga Partylist Rep. Teodorico Haresco, maghahain siya ng reso­lusyon para hilingin ang pagkakaroon ng congressional intervention upang masiguro na ligtas ang publiko partikular na ang mga taxi service sa Metro Manila at karatig na urban areas.

Sinabi ng mambabatas na ang paglipat sa LPG bilang alternatibo sa paggamit ng gasolina at diesel ay nakatulong ng malaki sa operators at drivers, maging sa kalikasan dahil sa pag­kabawas ng greenhouse gas emission.

Subalit marami na umano itong natatanggap na ulat na maraming taxi drivers lalo na ang mga gumagamit ng LPG ang nagkakasakit sa baga.

Giit pa ni Haresco, mahalaga na masiguro ng gobyerno na naipapatupad ng husto ang lahat ng safety measures at guidelines sa paglipat o conversion ng gasoline o diesel sa LPG.

Sa ginawang pag-aaral, kadalasan ang medical implications ng mahabang exposure sa LPG leaks ay pulmonary disease, na isang nakakahawang sakit na maaaring maihawa sa pamamagitan ng hangin.

Dahil dito kayat hinikayat nito ang Department of Health at Department of Transportation and Communication na magsagawa ng pag-aaral tungkol sa isyu para na rin sa interes ng kaligtasan ng publiko bukod pa dito ang dapat ay gawing regular ang inspeksyon ng mga LPG conversion kits na inilalagay sa taxi upang masigurong walang si­ngaw ang mga ito. 

ANG KASANGGA PARTYLIST REP

AYON

DAHIL

DEPARTMENT OF HEALTH

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION

GIIT

HARESCO

LPG

METRO MANILA

TEODORICO HARESCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with