Phl Bamboo at Asian Bamboo Carvers' Guild nagkasundo

MANILA, Philippines - Nagkasundo ang Philippine Bamboo Foundation (PBF) at Asian Bamboo Carvers’ Guild (ABCG) sa bayan ng Tuba, Benguet para sa magkasamang pagpapalago ng pagtatanim ng kawayan at pagnenegosyo ng mga gawa ng kasapi ng samahan.

Sinabi ni PBF president Edgardo Manda na sa ilalim ng partnership, tutulungan nilang makahanap ng buyer o merkado sa local at pandaigdigang pamilihan ang mga miyembro ng ABCG para sa mga likha ng mga ito.

Pamumunuan ni Manda at mga opisyales ng PBF ang lahat ng magiging pakikinegosasyon sa mga posibleng kliyente ng Guild.

Tutulungan din ng PBF ang ABCG na matutunan ng mga ito ang mga makabagong pamamaraan ng pagtatanim at pag-ani ng kawayan, gayundin ang mga modernong istilo sa carving o paglilok ng kawayan.

“Tutulungan naman kami ng Guild sa pagpapalaganap ng kahalagahan ng kawayan sa propesyon ng carving at ang potensyal nito bilang trabaho hindi lamang sa kanilang mga miyembro kundi pati na rin sa kanilang mga kasamahan sa hanapbuhay sa buong bansa,” ayon kay Manda.

Ang mga opisyal ng Guild ay sina: Roldan D. Pait, president; Jeremiah B. Cabbigat, vice-president; Rhodora Abluyen, secretary; Mayne Apuggad, treasurer; Alex Ognayon at Leandro Lamadrid, business managers at Manuela Dumapis, auditor.

Matatagpuan ang kanilang tanggapan sa 76 Purok 2, Kilometer 3, Asin Road, Baguio City.

Sa mga interesado tumawag kay Mike Gomez sa PBF secretariat, 817-14-09. 

Show comments