^

Bansa

Lacierda binira sa power crisis

Nina - Gemma Garcia/ Butch Quejada -

MANILA, Philippines - Hinamon ng isang kongresista si Presidential spokesman Edwin La­cierda na magtungo sa Mindanao at tingnan ang tunay na sitwasyon dito upang hindi nito maliitin ang krisis sa kuryente sa naturang rehiyon.

Ayon kay Agham party­ list Rep. Angelo Palmones, dapat na mismong si Lacierda na ang magtu­ngo sa Mindanao upang masaksihan nito mismo kung ano ang tunay na problema sa kuryente sa Mindanao.

Ito ay dahil sa iginigiit umano ni Lacierda na 2 hanggang 3 oras lamang ang brownout sa Min­ danao gayung umaabot ito ng 8 oras.

Bukod dito, tinuligsa din ni Palmones ang magkakaibang pahayag ni Lacierda at ng mga kaalyado nito sa Malacañang tungkol sa emergency power para maresolba ang kriris sa kuryente sa nasabing re­hiyon kayat lumalabas na wala umanong kaka­yahan ang kasaluku­yang­ administrasyon na solusyunan ang nasabing problema.

Samantala, tutol naman sina Eastern Samar Rep. Ben Evardone at Aurora Rep. Juan Edgardo Angara na sibakin sa puwesto si Energy Secretary Jose Rene Almendras.

Sa halip na sipain sa tungkulin si Almendras ay dapat na suportahan ito dahil may mga plano na ito para maresolba ang krisis sa kuryente.

Kung palalayasin si Almendras ay mas lalala umano ang problema da­hil muli na naman pag-aaralan ng bagong papalit ang problema dito. 

ALMENDRAS

ANGELO PALMONES

AURORA REP

BEN EVARDONE

EASTERN SAMAR REP

EDWIN LA

ENERGY SECRETARY JOSE RENE ALMENDRAS

LACIERDA

MINDANAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with