^

Bansa

Nakumpiskang iligal na troso ginawang silya at mesa sa mga public schools

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Madalas na reklamo ng maraming pampublikong paaralan ang kakulangan ng kagamitan ng mga es­tudyante at guro kapag pa­sukan.

Pero sa Tagum City, pi­napurihan ni Interior and Local Government secretary Jesse Robredo ang lokal na pamahalaan dito dahil sa paggamit ng mga nakumpiskang iligal na troso, para maging silya, desks at lamesa para magamit sa pampublikong paaralan.

Ang naturang programa ay bahagi ng proyekto ng Tagum City sa kanilang “Care for School Chairs” na pangunahing gawing kapaki-pakinabang ang mga nakukumpiskang “hot logs” sa naturang lalawigan.

Ayon kay Robredo, da­pat na papurihan ang proyekto ng Tagum dahil nagamit nilang mabuti ang mga troso para sa ikabubuti ng kanilang mga estudyante.

Umabot sa 260 school chairs ang ibinigay sa Manat National High School sa munisipalidad ng Nabuntuan, bilang parte ng nasabing proyekto.

Sinabi ng kalihim, ang ginawa ng city government ng Tagum ay hindi lamang makatutugon sa kakapusan ng kasangkapan sa paaralan sa mga pampublikong paaralan, kundi nagpapakita din kung papaano ang paraan para makapaglaan sa panga­ngailangan ng komunidad.

Marso nang simulan ng Tagum City government ang pamamahagi ng school furniture sa mga paaralan bilang parte ng social responsibility ni Mayor Rey Uy sa kalapit na siyudad at munisipalidad sa rehiyon ng Davao kung saan aabot sa 29,076 na piraso nito ang naibigay.

Ang mga gamit sa pa­aralan ay mula sa nakum­piskang iligal na pagto-tro­so ay ibinigay ng libre sa iba’t ibang paaralan sa si­yudad gayundin sa kalapit na siyudad at munisipalidad sa rehiyon ng Davao.

DAVAO

JESSE ROBREDO

MANAT NATIONAL HIGH SCHOOL

MAYOR REY UY

SCHOOL CHAIRS

SHY

TAGUM

TAGUM CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with