^

Bansa

Kahinaan ni PNoy, nasa miyembro ng Gabinete

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Kinondena ng Kilusan Kontra Kabulukan at Katiwalian (4K) si Pangulong Benigno Aquino III sa pagpupumilit na italaga ang ilang miyembro ng kanyang Gabinete na ibinasura na ng Commission on Appointments (CA) at nagiging sanhi ng kanyang mahinang pamumuno sa Palasyo.

Ayon kay 4K Chairman Dominador Pena, dapat nang sibakin ni PNoy ang mga miyembro ng Gabinete na nagpakita ng kahinaan at pagkairesponsable habang nasa tungkulin tulad nina DENR Sec. Ramon Jesus Paje at  DSWD Sec. Dinky Soliman.  

“Hindi na dapat ipilit ni PNoy ang mga miyembro ng kanyang Gabinete na tinanggihan na ng CA  lalo si Paje na pumalpak ng hindi pagkalooban ng ECC (environmental compliance certificate) ang $6 bilyong Tampakan Copper-Gold project dahil lamang sa open-pit mining ban ng South Cotabato,” ani Pena.

Ayon kay Pena, ang pagiging iresponsable ni Paje ay nakita mismo ng Chamber of Mines of the Philippines na halos nagdeklarang “pagsabotahe” sa ekonomiya ang aksiyon nito laban sa Tampakan project.

Tinuligsa rin ng 4K ang reappointment ni Soliman sa DSWD dahil kabilang ito sa grupo ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na sinabing nanalo noong 2004 dahil sa pandaraya at nakinabang umano sa maanomal­yang Peace Bonds ng CODE-NGO.

vuukle comment

AYON

CHAIRMAN DOMINADOR PENA

CHAMBER OF MINES OF THE PHILIPPINES

DINKY SOLIMAN

GABINETE

KILUSAN KONTRA KABULUKAN

PAJE

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PEACE BONDS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with