^

Bansa

Paje, dapat managot sa mga biktima ng landslides

-

MANILA, Philippines - Patuloy na sasadsad ang popularidad ni Pa­ngulong Benigno Aquino III dahil sa mga iresponsa­bleng miyembro ng kanyang Gabinete partikular si Environment Sec. Ramon Paje na nagsasawalang kibo sa patuloy na operas­yon ng illegal miners.

Bagama’t suportado ang kampanya ni PNoy laban sa korapsyon, naniniwala ang Bantay ng Bayan Laban sa Katiwalian sa Pamahalaan (Lakap Bayan) na hindi na dapat italaga sa DENR si Paje dahil ito ang dapat managot sa hindi mapigil na small scale mining operations na sanhi ng mga pagguho ng bundok na ikinamatay ng maraming ilegal na nagmimina at ng kanilang pamilya.

Ayon kay Lakap Bayan Chairman at dating Col. Jan Allan Marcelino, dapat nang ipatigil ng DENR ang small scale at illegal mining na nakawawasak sa mga kabundukan at katubigan sanhi ng paggamit ng mercury (asoge) at dinamita pero hinahayaan lamang ni Paje ang patuloy na operas­yon ng mga ito partikular sa Mindanao.

“Matagal na kaming lumantad at patuloy na nag-oobserba sa mga perso­nalidad na itinalaga ni PNoy pero tila may utang na loob ang Pa­ngulo kay Paje kaya muli itong itatalaga sa DENR kahit kung ilang ulit nang ibinasura ng Commission on Appointments,” giit ni Marcelino. “Sa pag-apruba nga lang sa enviromental compliance certificate (ECC) sa Obando landfill nang walang konsultasyon sa mga mamamayan ay malaking krimen na sa taga-Bulacan ang ginawa ni Paje pero pikit-mata lamang siya kahit maraming mapapahamak sa proyektong ito.”

Pinansin ng Lakap Ba­yan ang patuloy na pagbaba ng popularidad ni PNoy samantalang umaangat si Vice President Jojo Binay dahil wala itong bagahe hindi tulad ng Pangulo na bumubulusok sa mga survey sanhi ng mga ires­ponsableng miyembro ng Gabinete tulad ni Paje.

vuukle comment

BAYAN LABAN

BENIGNO AQUINO

ENVIRONMENT SEC

GABINETE

JAN ALLAN MARCELINO

LAKAP BA

LAKAP BAYAN

PAJE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with