^

Bansa

2 dinukot na guro pinalaya na

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Matapos ang isang linggong pagkakabihag, pinalaya na ng mga kidnappers kamakalawa ng gabi ang dalawang guro sa pampublikong paaralan na binihag sa Iligan City, ayon sa opisyal ng militar kahapon.

Ayon kay 1st Infantry Division (ID) Spokesman Captain Alberto Caber, dakong alas-7:25 ng gabi nang pakawalan ng mga kidnappers ang mga bihag na sina Rene Sumagang at Serfino Sanchez; pawang guro sa Bayug Falls Ele­mentary School sa Brgy. Rogongon, Iligan City.

Ayon kay Caber, ang mga ito ay itinurnover ng mga miyembro ng “Tonda Force“ na pinamumunuan ni Mangagao Elias alyas Commander Ayatullah  kay Tagaloan, Lanao del Sur Mayor Mizangcad Capal.

Si Ayatullah, lider ng 9-man kidnap for ransom group (KFR), ay may warrant of arrest sa mga kasong cattle rustling, arson at bukod dito ay notoryus rin sa kidnapping.

Ayon sa military ay walang kapalit na ransom ang pagpapalaya sa mga bihag na guro.

Una nang humingi ng P 4 M ransom ang grupo ni Ayatullah sa pamilya ng 2 guro kapalit ng kalayaan ng mga ito.

vuukle comment

AYON

BAYUG FALLS ELE

COMMANDER AYATULLAH

ILIGAN CITY

INFANTRY DIVISION

MANGAGAO ELIAS

RENE SUMAGANG

SERFINO SANCHEZ

SI AYATULLAH

SPOKESMAN CAPTAIN ALBERTO CABER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with