MANILA, Philippines - Para sa ika-62 taong paghihikayat ng kahusayan sa pagsusulat, kasalukuyang tumatanggap ng mga lahok ang Carlos Palanca Memorial Awards for Literature (Palanca Awards). Ang deadline sa pagsusumite ng mga entries ay alas-dose ng hatinggabi ng Abril 30.
Ang Palanca Awards ay tumatanggap ng mga lahok sa mga sumusunod na kategorya: English Division – Short Story, Short Story for Children, Essay, Poetry, Poetry for Children, One-act Play, at Full-length Play; Filipino Division – Maikling Kuwento, Maikling Kuwentong Pambata, Sanaysay, Tula, Tulang Pambata, Dulang May Isang Yugto, Dulang Ganap ang Haba, at Dulang Pampelikula; at Regional Languages Division – Short Story-Cebuano, Short Story-Hiligaynon at Short Story-Iluko.
Upang hikayatin ang mga kabataan na magsulat, inaanyayahan din ang lahat ng mas bata sa 18 taong gulang na magsumite ng mga sanaysay sa Kabataan Division. Ang tema para sa Kabataan Essay ay “In the advent of e-books, do I still consider printed books to be an important part of education?” Para sa Kabataan Sanaysay, ang tema ay “Sa paglaganap ng e-books, maituturing ko pa bang mahalagang bahagi ng edukasyon ang mga nakalimbag na aklat?”
Ang mga alituntunin at opisyal na entry forms ay makukuha sa opisina ng Foundation sa 6th Floor, One World Square Building, No.10 Upper McKinley Road, McKinley Town Center, Fort Bonifacio, Taguig City at sa Palanca Awards official website, www.palancaawards.com.ph.
Para sa karagdagang impormasyon, mag-email lamang sa cpawards@palancaawards.com.ph o tumawag sa telephone number 856-0808 loc. 33.