District office ng Lions binuksan

MANILA, Philippines - Binuksan na noong Marso 19 ang opisina ng Lions Club International Governor sa pangalawang palapag ng Lions Foundation Building sa Arquiza St., Ermita, Manila at inoku­pahan ni Romy Lumauig sa kanyang kapasidad bilang District Governor ng Lions Club International District 301-A1.

Nauna rito, ipinala­bas ng Regional Trial Court of San Juan Branch 264 ang isang writ of preliminary injunction sa Civil Cases nos. 3662 at 3661 na hiniling nina Willy Lao at Romy Yu. Pinigilan sa injunction ang panunungkulan ni Anton Wong Lim bilang district governor.

Kinilala ng korte si Romulo Lumauig para sa natitirang termino sa Lion Fiscal Year 2011-2012. 

Nabatid na isinara at ikinandado ang District Office para makaiwas sa writ of injunction.

Gayunman, dahil sa motion ng complainant, inutos ng korte na sapilitang buksan ang pintuan ng opisina at isagawa ang imbentaryo sa mga ari-arian dito sa harap ng isang pulis at sheriff.

Show comments