Newsboy at Vendors: Kabalikat ng Pilipino Star NGAYON

MANILA, Philippines - Kasama at kabalikat ng mga news dealer/agent/distributor sa paghahatid sa mga mambabasa ng mga kopya ng Pilipino Star NGAYON ang mga vendor at newsboy. Sila iyong laging nasa mga kalsada bangketa araw-araw. Tulad ng mga news dealer/ agent, ang mga vendor o tindero’t tindera at mga news boy ay gumigising nang napakaaga. Madilim pa o ilang oras pa lang bago sumikat ang araw ay nakaabang na sila sa labas ng tanggapan ng Pilipino Star NGAYON o sa ibang mga lugar o bagsakan ng mga pahayagan para kumuha ng kopya nito. Sila iyong mga maghapong nakabilad sa mga elemento ng mga kalsada. Umulan man o umaraw. Nabibigyan sila ng kabuhayan sa pama­magitan ng pagtitinda ng pahayagan. Nagtitiyaga sa init ng araw. Nagsisikap na makapagbenta ng kopya ng pahayagan para meron silang maipanlaman sa kanilang sikmura at sa kanilang pamilya. Ang mga newsboy ay nagtitiyagang nakatayo at naglalakad sa mga bangketa at kalsada habang kipkip ng kanilang mga braso ang inilalako nilang diyaryo. Kasabay ng pagbebenta nila ng mga kendi, sigarilyo at iba pa ang Pilipino Star NGAYON. Ganun din ang mga maliliit na vendor o manininda o tindera’t tindero na umuokupa lang ng maliit na espasyo sa bangketa o kahit saang mataong sulok ng kalunsuran para makapagbenta ng diyaryo at kumita kahit paano at matugunan ang pangangailangan nila sa araw-araw. Nasa sumusunod na mga larawan ang ilan pa sa hukbo ng mga newsboy na patuloy na tumatangkilik, sumusuporta at nagpapalaganap sa Pilipino Star NGAYON:

Show comments