^

Bansa

LRA chief sinabon ng mga senador

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines – Nasermunan kahapon ng ilang senador ang administrator ng Land Registration Authority (LRA) na si Eulalio Diaz III na ayon kay Senator Miriam Defensor-Santiago ay guilty ng “gross negligence”.

Isinisi ni Santiago kay Diaz ang paglabas ng listahan ng 45 ari-arian na ibinintang lahat kay impeached Chief Justice Renato Corona gayong hindi naman umano pala lahat pag-aari ng chief justice.

Ayon kay Santiago trabaho ni Diaz na iberipika muna ang nasabing listahan bago ito ibinigay sa prosekusyon.

“You are guilty of negligence. Not only of negligence but of gross negligence either you or the prosecution. Nobody else!” sabi ni Santiago.

Dahil umano sa lista­hang ipinalabas ni Diaz, nagkaroon ng maling impresyon na 45 lahat ang ari-arian ni Corona.

“Sino ngayon ang may kasalanan? Prosecution o ikaw? Answer me! Look in my eyes, look me in the eyes!” galit na sabi ni Santiago.

Pinuna rin ni Santiago ang pagkakatalaga ni Diaz sa LRA na naging ka-klase ni Pangulong Benigno Aquino III sa ele­mentarya.

Nagboluntaryo din umano si Diaz sa legal team ng Pangulo noong tumakbo itong presidente ng bansa.

Inamin ni Diaz na itinalaga siya ng Pangulo sa LRA noong Agosto 2010 o ilang buwan matapos manalo sa puwesto ang Pangulo.

Sinabi pa ni Santiago na dapat ay gumamit ng information filter system si Diaz upang nasala ng mabuti ang listahan bago ito nailabas sa media at sa impeachment court.

Sa huli, pinanindigan ng depensa na lima lamang ang properties ni Corona at hindi 45.

 Ayon kay defense counsel Noel Lazaro 17 sa sinasabing properties ni Corona ay kanselado na ang titulo, 12 dito ay hindi na nakapangalan kay Corona o kahit na sa asawa nito, 7 ay naibenta na kay Mr. Demetrio Vicente, ang pinsan ni Corona na taga-Marikina, 3 ay mga parking lots sa condominium kaya anim ang matitira sa listahan.

Sa anim na properties ay may dalawang titulo partikular ang property sa Xaviervill kaya lima ang matitirang properties ni Corona na nakadeklara naman umanong lahat sa Statement of Assets, Liabilities and Net worth ni Corona.

AYON

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

CORONA

DIAZ

EULALIO DIAZ

KAY

LAND REGISTRATION AUTHORITY

LIABILITIES AND NET

MR. DEMETRIO VICENTE

PANGULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with