Pinoy experts kailangan sa Germany!
MANILA, Philippines - Inianunsyo kahapon ni Vice President Jejomar Binay ang magandang balita na nangangailangan ng mga Pilipinong engineers at scientists sa bansang Germany.
Ayon kay Binay, ang pangangailangan ng Germany sa mga magagaling sa engineers at scientists na Pilipino ay inihayag ng delegasyon ng mga German businessmen at diplomats na nakipagpulong sa Bise Presidente sa Coconut Palace.
Sa ginanap na courtesy call kay Binay, tumatayo ring Presidential Adviser on overseas Filipino workers’ (OFws) concern, hiniling ng Team Philippines-Germany na pinangunahan ni Ambassador Maria Cleofe Natividad ng Embahada ng Pilipinas sa Berlin ang pagpapadala ng mga Pinoy experts sa Germany partikular ang mga engineers at computer scientists para sa mga medium-range industries sa nasabing bansa.
- Latest
- Trending