^

Bansa

Sin tax haharangin ng 'solid north'

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Haharangin ng mga Kongresista mula sa Hilagang Luzon ang balak ng Department of Finance (DOF) na bersyon nito sa tinatawag na “sin tax” bill na nananawagan para sa unitary excise tax system para sa mga produktong Tabako at Alcohol.

Ayon kay La Union Rep. Victor Ortega, president ng Northern Luzon Alliance, inaasahan niya ang miyembro ng orga­ni­sasyon na tinawag ni­tong “solid north” na mananatili sa kanilang paninindigan matapos na malaman na hindi suportado ni Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson ang House Bill 5727 na naglalaman ng bersyon ng DOF sa panukalang sin tax.

Siniguro ni Ortega na tutulan nila ang unitary tax system dahil buo ang northern alliance at plano nilang mag-black voting upang maprotektahan ang industriya ng tabako.

Anya, ang HB 5727 ay ikinokonsidera ng mga kongresista na makakasira sa interes ng kanyang mga constituents gayundin sa tobacco industry.

Iginiit pa ng beteranong mambabatas, na isu­su­long ng NLA ang pag-apruba sa “sin tax” bill na inihain ni Rep. Eric Singson Jr. na pinuno ng subcommittee on re­venues.

Nilinaw naman ni Singson na ang kanyang pahayag sa sin tax ay para lang sa kanyang pananaw na ang panukala ay dapat maisabatas subalit hindi dapat na maapektuhan ang pinagkukunan ng pangkabuhayan ng mga magsasaka mula sa Regions I at II.

Matindi umano ang pagtutol ng mga tobacco farmers mula sa Regions I at II dahil sa paniniwa­lang ang HB 5727 ay magkakaroon ng matin­ding epekto sa industriya ng tabako bukod pa dito ang paglaganap ng smuggling ng siga­rilyo mula sa katabing ban­sang Asya.

DEPARTMENT OF FINANCE

ERIC SINGSON JR.

HILAGANG LUZON

HOUSE BILL

ILOCOS SUR GOV

LA UNION REP

NORTHERN LUZON ALLIANCE

REGIONS I

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with