BAGUIO CITY, Philippines --Pangungunahan ngayong umaga ni Pangulong Benigno Aquino III ang graduation rites ng Philippine Military Academy (PMA) sa Fort del Pilar sa Baguio.
Ihahandog ni Pangulong Aquino ang presidential saber sa valedictorian ng PMA “Bagwis” class 2012 na si Cadet Tom Puertollano.
Mula sa Lipa City, Batangas at anak ng karpintero ang top 1 ng PMA Bagwis Class na incoming lieutenant sa Philippine Army (PA) na si Puertollano.
Tatanggapin din ng top 1 ng PMA 2012 class Bagwis ang Army saber award mula kay Army chief Lt. Gen. Emmanuel Bautista.
Sinabi naman ni PMA superintendent Maj. Gen. Nonato Peralta na may kabuuang 102 kadete ang magtatapos sa PMA class of 2012 na tinawag na Bagong Kawal na may Iisang Lakas (Bagwis) kung saan 19 ang kababaihan.
Ang no. 2 naman ng Bagwis class ay si Jose Mari Cabrera na mula sa Cebu City na tatanggap naman ng vice-presidential saber mula kay Bise-President Jejomar Binay at incoming 2nd Lt. naman sa Philippine Air Force. Ang 3rd placer ay si Lucien Jay Gumban ng Taguig City na magiging 2nd Lt. naman sa Philippine Navy.