^

Bansa

2% tapyas sa VAT 'pag pumalo sa $100 kada bariles ang langis

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Nanawagan ang isang kongresista sa Kongreso na magpasa ng batas upang otomatikong mabawasan ng dalawang porsyento ang VAT na ipinapataw sa produktong petrolyo tuwing aabot ang presyo ng langis sa $100 kada bariles.

Sinabi ni Kasangga Rep. Teodorico Haresco na ito ang magiging pa­nanggalang ng publiko laban sa mataas na presyo ng langis.

“In short, the 2% cut would serve as temporary government subsidy to provide relief to our people each time fuel prices becomes too steep. This is a win-win solution in the light of increasing calls to either cut or reduce the VAT which I think will do more harm than good if it is done across-the-board and on a permanent basis,” ani Haresco.

Sa panukala ni Haresco kapag umakyat sa $100 kada bariles ang presyo ng langis ay otomatikong magiging 10 porsyento ang VAT na ipapataw dito at babalik naman sa 12 por­syento kung mas mababa sa $100.

Nanawagan naman si Quezon City Rep. Winston Castelo sa Malacañang na sumali na sa panawagan na ibasura ang Oil Deregulation Law.

“The interplay of market forces has become illusory and what we see is the emergence of an oligopoly of three large oil companies that keep on dictating without mercy and increasing the prices of petroleum products,” ani Castelo. “Even the presence of small but independent oil companies has not given the much anticipated stability to the prices of domestic petroleum pro­ducts.”  

vuukle comment

CASTELO

HARESCO

KASANGGA REP

KONGRESO

MALACA

NANAWAGAN

OIL DEREGULATION LAW

QUEZON CITY REP

TEODORICO HARESCO

WINSTON CASTELO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with