Bagong Tourism officer ng Bulacan

MANILA, Philippines - Itinalaga bilang bagong tourism officer sa lalawigan ng Bulacan si senior cultural officer ng Cultural Center of the Philippines (CCP) na si Joseph Cristobal.

Nagsilbi ding executive director ng National Commission for Culture and Arts (NCCA) si Cristobal bago kinuha ni Bulacan Gov. Wilhelmino Sy-Alvarado bilang tourism officer ng lalawigan ng mga makata.

Kabilang sa mga programa na nais ipatupad ni Cristobal bilang tourism officer ng Bulacan ay ang ‘green tourism’, ang lalo pang pagpapaunlad sa turismo ng lalawigan at ang pagkakaroon ng mahigpit na pakikipagtulungan ng barangay level sa pagsusulong ng mga programang pang-kultura at turismo ng Bulacan.

Nagpasalamat naman si Cristobal kay Gov. Alvarado sa pagbibigay ng tiwala sa kanya upang ma­ging katuwang ng provincial government.  

Show comments