^

Bansa

'Corona magpakalalaki ka'

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Hinamon kahapon ni Deputy Speaker Lorenzo “Erin” R. Tañada III si Chief Justice Renato Corona na magpakalalaki at tumestigo sa impeachment trial sa Lunes para lumabas ang katotohanan.

“Kung pinirmahan ni Corona ang kanyang SALN, tanging siya lamang ang pwedeng tumestigo tungkol sa katotohanan ng mga nakasaad dito,” sabi ni Tañada.

Sinabi ni Tañada, “magsalita ka, gamit ang sarili mong boses, at sa­bihin mo ang totoo.”

Pinuna ni Tañada si Corona sa pagpirma niya sa SALN gayong alam pala niyang misdeclared at may kulang sa impormasyon na nakasaad dito.

Ayon kay Tañada, malinaw na pangalan at pirma ni Corona ang nakalagay sa kanyang SALN, sa mga bank signature cards, at property contracts, at ma­kikita doon ang mga pagkakaiba o discrepancies.

“Ang nangyayari ay lalong dumarami ang mga tanong kaysa sa kaliwana­gan sa mga nasabing do­kumento,” ayon kay Tañada.

Sinabi ni Tañada sa pamamagitan ng pagtes­tigo niya mismo sa witness stand, dito niya ma­ ipagtatanggol ang ka­rampatang paggalang sa mataas na hukuman, sa kanyang pamilya, at sa kanyang sarili samantalang pinangangalandakan niyang ipagtatanggol ang mga ito.

Sa paghaharap ng depensa ng mga ebidensiya nito sa Lunes, “magkaka-alaman” na rin kung paano ipapaliwanag ni Corona na hindi siya lumabag sa Section 8 ng Republic Act 6713, o ang ‘Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, to Uphold the Time-Honored Principle of Public Office Being a Public Trust…?,” wika ni Tañada.

vuukle comment

ADA

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

CODE OF CONDUCT AND ETHICAL STANDARDS

DEPUTY SPEAKER LORENZO

NTILDE

PUBLIC OFFICIALS AND EMPLOYEES

PUBLIC TRUST

REPUBLIC ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with