^

Bansa

Pagtama ng malakas na lindol sa Negros 'wag paniwalaan - Phivolcs

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvocs) ang pangamba ng publiko parti­kular ng mga residente ng Tayasan at Jimalalud sa lalawigan ng Negros Oriental matapos kumalat ang text scare sa mga residente doon na magkakaroon ng isang malakas na lindol sa Marso 28 ng taong ito na maaring magpalubog daw sa lugar.

Muling binigyang diin ni Philvocs Director Renato Solidum na walang sinuman ang maaaring mag-predict kung kailan magkakaroon ng lindol sa alinmang lugar sa bansa laluna sa Negros.

Hinimok ni Director Solidum ang mga residente doon na huwag paniniwalaan ang mga kahalintulad na text messages lalu’t mali-mali naman ang mga impormasyon tungkol sa lindol.

Sa katunayan, wala naman anyang direktang faultline sa Tayasan at Jimalalud, at ang nangyaring pag­lindol sa Negros Oriental noong February 6 ay nag-paa­ngat pa nga sa ilang parte ng lalawigan. Hindi rin anya nagpapalubog ng isang lugar ang isang faultline.

Sinabi pa ni Solidum na nagpakalat na rin siya ng mga tauhan katuwang ang Office of Civil Defense (OCD) sa mga lugar na nilindol para magpaliwanag sa publiko kung ano ang lindol at ano ang mga dapat gawin sakaling magkaroon ng mga pagyanig sa ka­nilang lugar.

DIRECTOR SOLIDUM

HINIMOK

JIMALALUD

MARSO

NEGROS ORIENTAL

OFFICE OF CIVIL DEFENSE

PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISM

PHILVOCS DIRECTOR RENATO SOLIDUM

TAYASAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with