^

Bansa

Singil sa kuryente bababa

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Bababa ng P0.24 kada kilowatt hour (kWh) ang generation charge ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong Marso.

Bunsod nito, mula sa dating P5.57 per kWh na singil noong Pebrero ay magiging P5.33 na lamang ito ngayong buwan.

Ayon kay Joe Zaldariaga, spokesman ng Meralco, ang pagbaba ay bunsod nang pagbabawas ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM) charges, na nagko-contribute ng limang porsiyento ng power requirements ng Meralco.

Ang WESM charges ay bumaba ng P5.04 kumpara noong nakaraang buwan.

Idinagdag pa ng Meralco na ang improved availability sa mga generating companies, partikular ang mga coal-fired power plant, ang dahilan nang pagbaba ng rate sa spot market. 

AYON

BABABA

BUNSOD

IDINAGDAG

JOE ZALDARIAGA

MANILA ELECTRIC COMPANY

MARSO

MERALCO

PEBRERO

WHOLESALE ELECTRICITY SPOT MARKET

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with