^

Bansa

Trenching activity sa West Valley fault, nakumpleto na ng QC govt. at Phivolcs

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Nakumpleto na ng  Quezon City govern­ment at ng Philippine Ins­titute of Volcanology­ and Seismology (Phivolcs­)  ang trenching activity sa  West Valley Fault line sa Brgy. Bagong Sila­ngan sa lung­sod upang malaman at madetermina ang pinagmumulan ng fault line tulad ng ground rupture movements at slip rate estimates  doon. Ang aktibidad ay kinabibila­ngan ng pag­huhukay sa dalawang  trenches,  may 50 metro ang haba sa loob ng 50 ektaryang lupa ng Banco Filipino sa Brgy. Bagong Sila­ngan na batay sa  Metro­ Manila Earthquake Impact Reduction Study (MMEIRS) ay may ma­taas­ na susceptibility­ sa lindol na nasa kaha­baan ng  Brgy. Payatas sa  QC.  

Bunga nito, naitala ng geologists ng Phivolcs ang pagkakaroon ng  ground displacement partikular ang unti-unting pagba­bago ng sediment layers sa may  fault. Sa ngayon ang Phivolcs ay nagsasa­gawa ng pagko­lekta ng pi­raso ng mga uling para sa carbon-14 analysis para  malaman­ ang tamang oras ng pagtama ng lindol at ang edad ng sediment layers­ na naapektuhan ng ground displacement. Ayon sa MMEIRS, ma­a­aring mag­resulta ng lindol na may lakas na magnitude 7.2 kapag gumalaw ang West Valley­ Fault line. Una rito, ini­utos ni QC Mayor Herbert Bau­ tista bilang danger zone ang 7 kilometrong haba ng fault line na nasa loob ng lungsod.

“The safety of our residents, particularly those living on top of the faultline, is non-negotiable, our plan is to discourage the construction of structures within the 5 meter-wide borders or buffer zone on both sides of the fault line. We are considering declaring this buffer zone as non-residential to avoid further damage in case of ground rupture,” ayon kay Bau­tista.

BAGONG SILA

BANCO FILIPINO

BRGY

MANILA EARTHQUAKE IMPACT REDUCTION STUDY

MAYOR HERBERT BAU

PHILIPPINE INS

PHIVOLCS

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with