Pag-uwi sa Pinas ni Joma aprub kay PNoy
CALAPAN CITY, Mindoro Oriental ,Philippines - Malayang makakauwi ng Pilipinas si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison, ayon kay Pangulong Aquino.
Sa pahayag ng Pangulo sa media interview dito matapos inagurahan nito ang 2.1 megawatt mini-hydropower na nagpailaw sa 45 Sityo sa lalawigang ito, naniniwala siyang uuwi lamang si Joma Sison kapag pormal nang lalagdaan ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng CPP-NPA-NDF at gobyerno.
Wika pa ni Aquino, umaasa siyang sa sandaling magbalik ng bansa ang communist leader ay dapat iwaksi na nito ang prinsipyo ng pakikidigma o arm struggle upang tuluyang makamit ang pagbabago.
Samantala, ipinagmalaki din ng Pangulo na kumonti ang mga sumasama sa mga kilos-protesta sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Maging ang mga sinasabing ‘contrarians’ o ang grupong laging kontra sa gobyerno kahit sino ang maupo ay nabawasan na din ang mga sumasama sa kanilang rali.
Aniya, ito ay dahil nakikita nang taumbayan ang ginagawa niyang reporma sa gobyerno lalo ang paglilinis sa mga corrupt officials.
- Latest
- Trending

















