^

Bansa

No plot vs PNoy - AFP, PNP

- Nina Joy Cantos at Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Itinanggi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang ibinulgar ni Pangulong Aquino na ‘ouster plot’ umano ng mga dating mga opisyal ng gobyerno laban sa kasalukuyang administrasyon.

Ayon kay AFP Deputy Chief for Intelligence (J2) Chief Major Gen. Francisco Cruz, wala ni isang banta laban sa umano’y planong pabagsakin ang gobyerno ni PNoy ang namomonitor ng kanilang intelligence units.

“Wala, wala kaming namomonitor, maybe it’s a disinformation but definitely hindi sa AFP galing,” ani Cruz sa panayam.

“It’s quiet and calm, the AFP remains strong and loyal to the chain of command,” dagdag ni Cruz.

Sa panig ng PNP, sinabi ng spokesman nitong si Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., na wala rin silang namomonitor sa naturang kontrobersyal na ‘ouster plot”.

“No information on our level. We believe this information is on the higher level of intelligence. Threats to heads of state usually come with the territory for so many reasons,” sabi pa ni Cruz.

Ayon naman sa ibang sources sa intelligence, sinabi ng ilang mga opisyal nito na tsismis lamang ang nasabing ‘ouster plot’ at hindi ito dapat ikabahala ni PNoy.

Sa kabila nito, kinumpirma naman kahapon ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na may natanggap din siyang impormasyon sa planong kudeta pero tumanggi ang senador na banggitin kung sino-sino ang mga perso­nalidad na sangkot.

Sa talumpati ng Pa­ngulo sa anibersaryo ng Presidential Security Group sa Malacañang Park kamakalawa, sinabi nito na ang mga taong sangkot sa pagnanakaw sa kaban ng bayan sa nakalipas na administrasyon ang umano’y nasa likod ng coup plot laban sa kaniya.

Matatandaan na ma­ging noong nanunungkulan pang presidente ang ina ni PNoy na si dating Pa­ngulong Corazon Aquino ay ilang beses rin itong nakudeta kung saan kasama pa sa naglunsad si Sen. Gregorio Honasan.

AGRIMERO CRUZ JR.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

CHIEF MAJOR GEN

CHIEF SUPT

CORAZON AQUINO

CRUZ

DEPUTY CHIEF

FRANCISCO CRUZ

GREGORIO HONASAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with