^

Bansa

PNP-HPG chief kinasuhan ng libel

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Sinampahan ng ta­t­long kasong libelo ang hepe ng PNP-Highway Patrol Group kasama ang dalawang mamahayag ng isang negosyante sa General Santos City.

Ayon kay Atty. Rogelio Garcia, abogado ng nagsampa ng reklamong si Mohammad “Bong” Acquia, kinasuhan nila ng libelo si General Leonardo Espina dahil na rin sa pagsasabi na umano’y miyembro ng carnapping syndicate ang kanyang kliyente.

Bukod kay Espina, kinasuhan din nito ang reporter ng ABS-CBN na si Doland Castro, matapos na i-ulat nito sa TV Patrol noong Pebrero 23 ang pag-aakusa ni Espina kay Acquia; at reporter ng People’s Tonight noong Pebrero habang si Alfred Dalison naman ay  kinasuhan din ng libelo dahil sa paglabas ng artikulo nito noong Pebrero 24.

“Wala silang basehan  para  akusahan nila ang aking kli­yente at hanggang sa kasalukuyan wala pa rin nasasampang kaso ang HPG o sinumang ahensya ng gobyerno sa aking kliyente,” paliwanag pa ni Garcia sa isang press conference.

Matatandaan na nagsagawa ng opera­syon ang HPG sa General Santos na kung saan nakumpiska ng mga ito ang 26 na iba’t ibang modelo ng sasakyan na umano’y sinasabing mga hot car.

Napag-alaman pa na mali din ang ginawang pagsalakay ng mga otoridad sa bahay ni Acquia dahil ang dala nito ay isang search warrant para sa illegal position of fire arms at hindi search warrant para sa sinasa­bing mga hot car upang maiugnay si Acquia sa carnapping syndicate.

ACQUIA

ALFRED DALISON

DOLAND CASTRO

ESPINA

GENERAL LEONARDO ESPINA

GENERAL SANTOS

GENERAL SANTOS CITY

HIGHWAY PATROL GROUP

PEBRERO

ROGELIO GARCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with