Pagkawala ng imported cars bubusisiin
MANILA, Philippines - Iimbestigahan ng House of Representatives Committee on Ways and Means ang umano’y pagkawala ng mahigit sa isanlibong imported na second hand na mga sasakyan na nasa storage areas sa loob ng Subic Bay Freeport simula 2007. Ito ay matapos na aprubahan ng Kamara ang naturang imbestigasyon base sa rekomendasyon ng rules committee sa inihaing House Resolution 1664 ni Quezon City Rep. Winnie Castelo.
Sinabi ni Castelo na dapat maimbestigahan ng Kamara kung ano ang nangyari sa nawawala umanong 1,800 imported na sasakyan upang malaman kung smuggled ito at kung nilabag nito ang Executive order 156 na nagbabawal sa muling pagbebenta ng mga ito.Bago lumabas ang BOC report, inihayag ng LTO na nasa 172 imported luxury na sasakyan ang nawawala sa Freeport Zone na kinabibilangan ng Ja guar, Ferrari, Porsche, BMW, Mercedes-Benz, Land Rover at Chrysler units.
- Latest
- Trending