Pamilya ng hazing victim aayudahan
MANILA, Philippines - Sa gitna ng pagluluksa at pagdadalamhati sa pagkamatay ng biktima ng hazing na si Marvin Reglos, siniguro pa rin ng pamunuan ng San Beda College na bibigyan nila ng tulong ang pamilya nito kasabay ng pakikipagtulungan sa National Bureau of Investigation at Philippine National Police upang maresolba agad ang nasabing kaso.
Sa isang pahinang liham ni Very Rev. Fr. Aloysius Ma. Maranan, bagamat patuloy ang pakikiisa nila sa kapayapaan, mariin naman nitong kinokondena ang karuwagan at labag sa batas na kilos ng fraternity.
Paliwanag pa ni Maranan, hindi nila kinikilala ang anumang fraternities at sororities sa kanilang paaralan at ang anumang pagsali o pagkakasangkot ng kanilang mga estudyante sa ganitong organisasyon ay maituturing na paglabag at maaring maparusahan o mapatalsik sa eskuwelahan ang isang estudyante.
Kinokondena din ng pamunuan ng San Beda ang anumang organisasyon na gumagamit ng pananakot, intentional force, physical violence o pananakit sa mga estudyante.
- Latest
- Trending