^

Bansa

Legs seminar paghahanda sa graduating students sa Caloocan

-

MANILA, Philippines - Upang matulungan ang mga graduating students sa lahat ng paaralan sa Caloocan City ay nagsagawa ng Labor Education for Graduating Students (LEGS) ang lokal na pamahalaan kasabay na rin ng pagdiriwang ng ika-50 taong anibersaryo sa pagkakatatag ng lungsod.

Ayon kay Mayor Enrico “Recom” Echiverri, isa sa layunin ng ginanap na seminar ay ang mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga graduating students sa kanilang pakikisa­lamuha sa mga magiging kasamahan sa trabaho at kung paano ang pagkakaroon ng tamang relasyon sa kanilang magiging employers.

Bukod dito, ipinaalam din sa mga graduating students ang labor laws, policies, standards and rules and regulations na kahaharapin ng mga ito sa kanilang panibagong hakbang sa buhay na kahaharapin.

Ang proyektong ito ay ginanap sa University of Caloocan City (north and south) noong February 24, 2012 kung saan ay umabot sa mahigit 2,000 graduating students ang dumalo.

Sinabi pa ni Mayor Echiverri, magpapatuloy ang programa ng lokal na pamahalaan sa pagbibigay ng mga bagong kaalaman sa mga estudiyante dahil naniniwala ang alkalde na ang mga kabataang ito ang magiging sandigan ng lungsod sa susunod na henerasyon.

AYON

BUKOD

CALOOCAN CITY

ECHIVERRI

GRADUATING STUDENTS

LABOR EDUCATION

MAYOR ECHIVERRI

MAYOR ENRICO

UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with