^

Bansa

Sin Tax Bill ipasa na - DOH

- Ni Doris Borja -

MANILA, Philippines - Pinamamadali ng Department of Health sa Kongreso ang pagpasa ng “sin” tax reform bill na layong dagdagan ang buwis sa mga sigarilyo at alak.

Sinabi ni Health Secretary Enrique Ona na dapat lamang na agad na maipasa ang panukala upang bumaba ang bilang ng mga alcohol at tobacco-related diseases lalo na sa mga mahihirap at kabataan.

Paliwanag ni Ona na ang kanilang aksiyon ay pangunahing paraan upang mapatigil ang mga ito na tangkilikin ang mga naninigarilyo lao na ang mga kabataan.

Nabatid na umaabot sa P400 bilyon kada taon ang ginagastos ng pamahalaan para sa mga may sakit.   

Aniya, ang tobacco smoking ay ilan lamang sa mga sanhi ng non-communicable disease (NCD).

Ayon sa World Health Organization,  ang NCD ay pangunahing sanhi ng kamatayan sa buong mundo.

Umaabot sa 200,000 Filipino ang namamatay kada taon dahil sa NCDs. 

ANIYA

AYON

DEPARTMENT OF HEALTH

HEALTH SECRETARY ENRIQUE ONA

KONGRESO

NABATID

PALIWANAG

WORLD HEALTH ORGANIZATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with