Pinaka mainit na panahon naitala

MANILA, Philippines - Naitala nitong Huwebes ang pinaka mainit na panahon sa bansa simula nitong Enero. 

Sa panayam kay Glaiza Escullar, weather forecaster ng Philippine Athmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), pumalo sa 35.2 sentigrado ang temperatura sa Subic Bay; 35.2 sa San Jose Occidental Mindoro at 34.4 sa Metro Manila na mas mataas kumpara sa 32 hanggang 33 antas ng sentigrado na init ng panahon nitong nakalipas na mga araw.

Anya, hindi pa pumapasok ang dry season at ang nararanasang init ay bunga ng easterly wind o hangin mula sa silangan o hangin mula sa dagat kaya mainit ang panahon.

Show comments