Cast ng 'Bourne' bumisita kay PNoy
MANILA, Philippines - Nag-courtesy call sa Malacañang kahapon ng umaga ang cast at crew ng Hollywood film na “The Bourne Legacy.” Kasama ng bidang si Jeremy Renner ang executive producer ng pelikula na si Patrick Crowley at iba pang crew ng bumisita kay Pangulong Aquino sa President’s Hall ng Palasyo. Hindi naman nakasama sina Rachel Weisz na noong Biyernes pa umalis ng Pilipinas at si Edward Norton.
Nagpalitan naman ng kanilang mga regalo sina Renner at Pangulong Aquino. Binigyan ni Renner si Aquino ng limang DVDs ng mga pelikula ng aktor habang assorted chocolates naman ang ibinigay ng Pangulo.
Magugunita na nag-shooting sa ilang lugar sa Pilipinas ang The Bourne Legacy.
- Latest
- Trending



















