Naagnas na bangkay natagpuan

MANILA, Philippines - Natagpuan ng pulisya ang naagnas na bangkay ng babae sa sapang sakop ng Barangay Sala sa bayan ng Cabuyao, Laguna kamakalawa. Sa ulat ni P/Supt. Armel Serabello, dakong alas-7 ng umaga nang madiskubre ng magsasaka ang bangkay ng babae na nakasuot ng violet na bra, short na maong at naka-tshirt na itim. Kasalukuyang nasa St. Peter Funeral Homes sa Brgy. Dita, Sta. Rosa City, Laguna ang bangkay ng babae.

Show comments