Kalidad ng nursing mas bumaba pa

MANILA, Philippines - Nababahala ang Professional Regulatory Commission (PRC) sa kalidad ng nursing education sa bansa, matapos mapansin ang pagbaba ng passing rates sa nakaraang nursing board examination.

Ayon sa PRC, mas mababa ang 33.92 percent passing rate nitong Disyembre 2011 kung ikukumpara sa 35.25 per­cent noong Disyembre 2010, na tinaguriang ‘lowest in history’, ayon sa Commission on Higher­ Education (CHED).

Aabot lamang sa 22,760 ang pumasa sa 67,095 na kumuha ng exam noong Disyembre.

Isinisisi ng mga aw­to­ridad ang mababang ka­lidad ng mga nursing­ school sa pagbaba ng per­centage ng mga na­kapasa.

Karamihan  umano sa mga nakapasa ay patungo sa daan ng unemployment sapagkat nagkaroon na ng oversupply ng nurses ang bansa.

Patuloy naman ang panawagan ng Labor officials ng bansa na huwag kumuha ng kursong nur­sing ang mga magsisi­mula pa lamang ng kolehiyo.

Noong 2004, idi­nek­lara ng CHED ang moratorium sa pagbubukas ng mga bagong nursing schools dahil sa pagbaba ng kalidad at oversupply ng nurses.

Sa kabila nito, daan-daan pa ring bagong nur­sing schools ang nagbukas sapagkat, dahil na rin umano sa “political pressure,” napilitan ang CHED na maghinay-hi­nay sa pagpatutupad ng mora­torium.

Show comments