^

Bansa

PNoy ayaw paawat, banat kay CJ tuloy

- Ni Rudy Andal -

BALER, Aurora, Philippines - Wa­lang balak huminto sa pagsasalita tungkol kay impeached Chief Justice Renato Corona si Pa­ngulong Aquino sa kabila ng panawagan sa kanila ni Corona na itigil na ng mga ito ang kanilang ‘word war’.

Sinabi ni Pangulong Aquino sa media inter­view dito matapos pangunahan ang inagurasyon ng Aurora Memorial Hospital, bahagi ng demo­krasya ang paglalabas ng saloobin kaugnay sa nangyayaring impeachment trial.

“I am within my rights. At yan ang essence ng democracy,” wika ng Pangulo.

Aniya, ang ibinabatong isyu sa kanya ng kampo ni Corona tulad ng SALN at psycholo­ gical record ay ‘lumang isyu’ na.

Wika pa ng Pangulo, ganito na rin ang ginamit noong kampanya laban sa kanya pero hindi nagtagumpay ang mga nais sumira sa kanyang pagkatao.

Idinagdag pa ng Pa­ngulo, simula ng manungkulan siyang kongresista hanggang sa maging se­nador at naging chief exe­cutive ay regular siyang nagsusumite ng kan­yang SALN.

“At hindi ko ito inila­lagay sa naka-lock na filing cabinet,” dagdag ng chief executive.

Ipinaliwanag pa ni Aquino, noon ay gumamit sila ng pari na umano’y nagsagawa ng pyscho test sa akin pero itinanggi din ng pari kaya sumunod ay isang professor naman ang ka­nilang gi­namit pero itinanggi din nito ang nais palitawin ng kanyang mga kalaban.

Aniya, ngayon ay gumamit naman sila ng patay na doctor mula sa Boston na umano’y nagsagawa daw ng test sa akin noon.

“Patay ang kanilang ginamit na doctor mula sa Boston upang hindi na ito matanong,” sabi pa ng Pangulo.

ANIYA

AQUINO

AURORA MEMORIAL HOSPITAL

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

IPINALIWANAG

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PATAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with