^

Bansa

Corona resign!

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - “Corona mag-resign ka na!”

Ito umano ang matapang na hamon ng may 2 milyong kasapi ng grupong Coop-NATCCO kay impeached Chief Justice Renato Corona.

Sa pahayag ni Rene Buenviaje, presidente ng partidong Coop-NATCCO na binubuo ng mahigit 700 kooperatiba sa bansa, dapat umanong sundan ni Corona ang tunay na pamantayan na naaangkop sa kanyang posisyon bilang pinuno ng pinakamataas na hukuman ng bansa.

Paano pa ba natin mapagkakatiwalaan ang isang taong may nililihim? Ang chief justice, dapat malinis, walang tinatago, walang nililihim!” ayon kay Buenviaje na pinatutungkulan ang na­bunyag na tatlo sa pitong peso time deposit accounts nito sa Philippine Savings Bank (PSBank) na isinara noong araw na siya’y na-impeach sa Kamara.

“Kung ordinaryong ma­ mamayan ang tatanungin mo at alam ng mamamayang ito na uusigin ang nagsara nang bank account, malamang sa­sa­bihin niyang tanda ito ng pagtatago ng ebidensya. Paano mapagkakatiwalaan ang may nililihim?” tanong ni Buenviaje.

Ayon pa kay Buen­viaje, sa pamamalakad ng isang kooperatiba kapag nawala ang tiwala ng miyembro sa lider, masisira ang samahan at mawawala ang kooperatiba.

“Kung ang tiwala’y nababasag at hindi na­ i­ba­ balik sa dati, paano pa kaya ang pagtitiwala sa isang lider ng mataas na institusyon gaya ng Korte Suprema?” sabi pa ni Buenviaje.

Naniniwala rin si Buenviaje na hindi sapat na mag-resign lamang ang isang lider na gumawa ng hindi tama at bagay na ililihim. Dapat umano siyang sampahan ng kaso, usigin at maparusahan. 

Kungdi, para na ring pinalusot ang lider na nagkasala,” wika pa niya.

vuukle comment

AYON

BUEN

BUENVIAJE

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

KORTE SUPREMA

PAANO

PHILIPPINE SAVINGS BANK

RENE BUENVIAJE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with