2 OFWs inaresto sa China!
MANILA, Philippines - Dalawang OFWs ang umano’y inaresto sa China sa isinagawang crackdown o paghuli sa mga illegal alien sa bansa.
Kinilala ang dalawang Pinay na sina Prima Ebite Delgado at Marivic Labsang na ngayon ay sumasailalim sa imbestigasyon habang nakakulong sa Beijing sa paglabag ng Chinese immigration laws dahil sa pagiging overstaying.
Ayon kay Migrante-Middle East regional director John Leonard Monterona, tumaas ang bilang ng mga Pinoy na tumatawag sa kanila upang mabigyan ng assistance dahil sa matinding crackdown ng Chinese authorities laban sa mga overstayers at undocumented workers.
“The Beijing Public Security Bureau (PSB) has confirmed, by a telephone call, that OFWs Delgado and Labsang were arrested Wednesday night by the Chinese authorities for “overstaying,” sabi ni Monterona.
Aniya, nakamonitor na sila ng 100 undocumented OFWs sa Beijing na patuloy na nakikipagtaguan sa mga awtoridad.
Sa tala noong 2010, may 8,954 OFWs ang na-rehire at bagong hire sa China at ang iba ay nakapunta doon sa pamamagitan ng human trafficking at illegal recruitment.
- Latest
- Trending