^

Bansa

Pinay ginilitan, kinatay sa Paris!

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Isang negosyanteng Pinay ang ginilitan at pinagsasaksak umano sa loob ng kanyang tanggapan sa Paris, France.

Base sa report, kinilala ang Pinay trader na si Ellen Ortega Apilado, 47, may-ari umano ng isang travel agency sa Paris.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nagtamo ng maraming saksak sa katawan si Apilado at may malaking hiwa o gilit pa sa kanyang leeg.

Tinitingnan ng Paris authorities ang motibong pagnanakaw sa insidente. Sinisilip din ng pulisya ang CCTV sa lugar na maaaring magbigay ng lead o linaw sa brutal na pagpatay sa biktima.

Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez, inatasan na nila ang Embahada ng Pilipinas sa Paris na beripikahin ang ulat.

“Inaantay pa namin ang report at kumpirmasyon mula sa Embahada sa France,” ayon kay Hernandez.

vuukle comment

APILADO

AYON

ELLEN ORTEGA APILADO

EMBAHADA

FOREIGN AFFAIRS SPOKESMAN RAUL HERNANDEZ

HERNANDEZ

INAANTAY

ISANG

PILIPINAS

PINAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with