^

Bansa

People power itinanggi ni PNoy

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ng Malacañang na hindi nananawagan ng ‘people power’ si Pangulong Aquino laban kay Chief Justice Renato Corona bagkus ay nais lamang nitong maging aktibo ang taumbayan sa nangyayaring impeachment trial.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, hindi people power ang panawagan ng Pangulo kundi nais nitong mag-analisa din ang taumba­yan sa ginaganap na impeachment trial at hindi lamang basta nanonood.

Magugunita na sinabi ni PNoy kamakalawa sa Pulong Bayan sa La Consolacion College-Manila na malinaw pa sa sikat ng araw na nagsinungaling si Corona sa maling pagdedeklara sa kanyang SALN.

Sinabi din ng Pangulo na huwag ng paikutan ni Corona ang taumbayan dahil alam ng lahat na kaya siya inilagay ni da­ting Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Korte Suprema ay upang pagtakpan ang mga magiging kaso nito sa sandaling bumaba siya sa poder noong 2010.  

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

IGINIIT

KORTE SUPREMA

LA CONSOLACION COLLEGE-MANILA

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PULONG BAYAN

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with