^

Bansa

Pinoy nasagip sa bitay

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Inihahanda na ng pa­mahalaan ang pormal na turnover o pagpapasa ng milyun-milyong blood money o ‘diya’ para masagip sa bitay ang overseas Filipino worker na si Ro­gelio “Dondon” Lanuza na nakapiit ng halos 12 taon sa Saudi Arabia matapos na masentensyahan ng ‘death by beheading” dahil sa kasong pagpatay.

Ayon kay Migrante Mid­dle East regional coordinator John Leonard Monterona, kinumpirma sa kanya ni dating Phl Ambassador to Saudi Arabia Antonio Villamor na isang delegasyon ng Pilipinas ang nakatakdang tumulak patungong Saudi sa ikalawang linggo ng Marso upang i-formalize ang pagtanggap ng blood money para sa aggrieved party.

“Amb. Villamor confirmed to me that he is on the final stage readying a small delegation going to Saudi Arabia to formally ink a blood money agreement with the aggrieved Saudi family. He invited me to be part of the delegation since I am already here and is based in Saudi Arabia who has been in the forefront of the ‘Save Lanuza’ campaign,” ani Monterona.

Nauna rito, sinabi mismo ni Lanuza sa PSN/PM na nakakalap na sila ng may 1.5 milyong Saudi Riyal (SAR) kasunod ng pagbibigay ng Department of Foreign Affairs ng halagang SAR400,000 bilang pambayad sa blood money. Una nang nag-demand ang pamilya ng biktima ng halagang SAR3 milyon o P35 milyon kapalit ng tanazul o pagpapatawad kay Lanuza para ganap siyang makalaya at makaligtas sa kamatayan. 

Sinabi ni Monterona, pormal na ibibigay ngayong Marso ng PHL delegation ang nakalap na inisyal na 1.5 milyon SAR sa pamilya ng Saudi national na napatay ni Lanuza na nangako na magpapalabas ng ‘affidavit of desistance’ sa Saudi Reconcilliation Committee base sa kanilang napagkasunduan kasama ang kinatawan ng Pilipinas noong Pebrero 2011. 

Bagaman nangangalap ang pamilya Lanuza para sa blood money sa ini­lunsad na “Barya Mo, Buhay Ko” campaign, ang grupo ng mga Pinoy sa Estados Unidos na pinangungunahan ni Atty. Loida Nicolas-Lewis, isang philantrophist, ang pinaka-aktibo ngayong na­ngangalap ng blood money mula sa kanyang panawagang ‘global donations’ kay Lanuza.

Si Nicolas-Lewis din ang unang nagpahayag na sa bawat piso na donasyon ay kanya itong dodoblehin.

Nananawagan si Lewis sa sinumang nagnanais pang tumulong upang ganap nang malikom ang kalahati pang halaga ng blood money na maaaring mag-log sa www.helpdondon. Si Lanuza ay nakakulong sa Damman Centrail jail nang mahatulan ng bitay noong 2000 matapos na masaksak at mapatay nito ang isang Saudi national dahil sa pagtatanggol sa sarili matapos na una siyang saksakin ng biktima.  

Sa batas sa Saudi, pinapayagan ang pagtanggap ng diya o blood money kapalit ng kalayaan ng akusado.

BARYA MO

BLOOD

BUHAY KO

DAMMAN CENTRAIL

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ESTADOS UNIDOS

LANUZA

MONEY

SAUDI

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with