^

Bansa

PNoy pinatatahimik ng oposisyon

- Ni Gemma Garcia/Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Pinatatahimik ng oposisyon sa Kamara si Pangulong Aquino sa pagbibigay nito ng komento sa merito ng mga kasong isinampa laban kay Chief Justice Renato Corona.

Kasunod ito ng pahayag ng Pangulo na sapat na umano ang peso accounts ni Corona upang ma-convict ito at mapatalsik sa puwesto.

Sinabi ni Suarez na hindi nararapat para sa Pa­ngulo na magbigay ng mga ganitong pahayag lalo pa at umuusad naman ang pro­seso sa impeachment court.

Giit pa nito hindi naman umano patas kung magbobotohan na ang mga Senator-Judges samantalang hindi pa binibigyan ng pagkakataon ang depensa na maipaliwanag ang kanilang panig.

Para kay Suarez ang pahayag ng Pangulo ay mistulang pakikialam sa proseso ng paglilitis at pagbibigay ng kumpas sa kaniyang mga kaalyado sa Senado na i-convict na si Corona.

Dahil dito kayat nana­wagan pa si Suarez sa Pa­ngulo na igalang ang pro­seso at huwag diktahan ang kaniyang mga kaalyado sa kamara.

Samantala, itinanggi ng Malacañang na nanawagan si Pangulong Aquino sa mga senator-judges na huwag sundin ang temporary restraining order (TRO) ng Korte Suprema para mabuksan ang dollar account ni Corona.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, ang sinabi ng Pangulo ay walang hurisdiksyon ang Korte Suprema na magpalabas ng TRO sa Senado bilang impeachment court.

Dahil sa ginawang pahayag na ito ni Corona ay puwede umanong patawan siya ng contempt dahil sa ‘false claims’.

vuukle comment

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

DAHIL

GIIT

KORTE SUPREMA

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PRESIDENTIAL SPOKESMAN EDWIN LACIERDA

SENADO

SINABI

SUAREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with