^

Bansa

Barangay na iilan lang ang constituents pinabubuwag

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Sinimulan na ng Manila City Council ang pagbuwag sa barangay na kakaunti lamang ang constituents.

Partikular na naipasa na sa ikatlong pagbasa sa konseho ang ordinansa na naglalayon na mabuwag ang barangay 659-A, Zone 71, District V na pi­namumunuan ni Chairman Ligaya Santos.

Sinabi ni Manila Vice Mayor Isko Moreno na ma­susing pinag-aralan ng konseho ang ordinansa na kumukuwestiyon sa napakaliit na bilang ng constituents ng nabanggit na barangay, na siyang pangunahing kwalipikasyon para maging isang barangay.

“Sino ba ang nakatira sa CCM, sino ba ang na­­katira sa Park and Ride,?,” ani Moreno, ma­tapos isagawa ang physical examination sa mga lugar na nasasakop ng Bgy. 659-A.

Ang nabanggit na barangay ay mapupunta na umano sa Bgy. 659 Zone 71, na dating pinaghati pa sa Bgy. 659-A at 659-B kung saan si Chairman Nestor Malabag naman ang Punong Barangay.

Ani Moreno, pinag-aaralan na rin ang pag-abolish sa iba pang barangay na kakaunti ang constituents.

vuukle comment

ANI MORENO

BARANGAY

BGY

CHAIRMAN LIGAYA SANTOS

CHAIRMAN NESTOR MALABAG

DISTRICT V

MANILA CITY COUNCIL

PARK AND RIDE

PUNONG BARANGAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with