^

Bansa

3 Pinoy inaresto sa droga sa Macau!

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Dalawa na namang Pinoy ang inaresto at posibleng maharap sa parusang bitay matapos na mahulihan ng illegal drugs sa isinagawang raid sa kanilang apartment sa Macau ng nakalipas na linggo.

Sa report ng Philippine Consulate General sa Macau sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang dalawa (isang babae at isang lalaki) na hindi pinangalanan ay natiklo noong Pebrero 1, 2012 sa loob ng kanilang apartment at nakakumpiska ang Judiciary police ng 46 gramo ng shabu na may street value na 90,000 patacas o US$11,392.40 at iba’t ibang uri ng drug paraphernalia.

Bukod sa dalawa, isa pang Pinoy na hinihinalang buyer ng ilegal na droga ang dinala rin ng pulisya para sa ilang pagtatanong.

Nakikipag-ugnayan na ang Consulate officials sa Macau SAR authorities upang matiyak na mabibigyan ng tulong ang inarestong mga Pinoy upang irespeto ang kanilang mga karapatang legal.  

APARTMENT

BUKOD

DALAWA

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

KANILANG

MACAU

NAKIKIPAG

PEBRERO

PHILIPPINE CONSULATE GENERAL

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with