^

Bansa

PCSO nag-donate sa quake victims

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nagbigay ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng paunang P120,000 financial assistance sa mga biktima ng 6.9 magnitude na lindol na tumama sa Negros Occidental nitong Lunes na nagdulot ng pagkamatay at pagkasugat ng maraming residente at pinsala na umaabot na sa halos P300 million.

Ibinigay ang naturang tulong pinansyal sa Guihul­ngan District Hospital upang bigyang tulong medikal ang nasa 70 katao na naka-confine dito.  Gagamitin ang naturang halaga sa pagbili ng mga gamot, inuming tubig, at iba pang medikal na pangangailangan.

Una nang nagbigay ng P2 milyong tulong pinansyal ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at nagpalabas naman ng P5.7 milyon naman ang Malacañang habang nagpalabas na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P2.5 milyon.

Ipinagmalaki rin naman ng PCSO ang pagpapalabas nila ng P805,825 tulong pinansyal sa mga biktima ng bumagsak na eroplano sa Parañaque City noong Disyembre 10, 2011 at P8.5 milyon sa mga biktima naman ng bagyong Sendong sa Cagayan de Oro at Iligan City.  

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

DISTRICT HOSPITAL

DISYEMBRE

GAGAMITIN

GUIHUL

IBINIGAY

ILIGAN CITY

NEGROS OCCIDENTAL

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with