MANILA, Philippines - Tinuligsa ni Deputy House Speaker Erin Tanada si Supreme Court Chief Justice Renato Puno dahil ginamit nito ang Foreign Currency Deposit Unit (FCDU) Act of 1974 para pagtakpan ang katotohanan na mayroon itong itinatagong yaman.
Kasunod ng pagpataw ng Korte Suprema ng Temporary Restraining Order (TRO) pagdating sa pagbukas ng mga dollar deposit ni Corona, ipinaliwanag ni Tañada na ang patuloy na pagbanggit sa FCDU Act of 1974 ay tila inaanyayahan ang hindi lamang mga impeachable na opisyal, kundi kahit sino pang tao na maaaring maging tiwali, na itago ang nakaw na kayamanan.
“Ang absurdong sitwasyon na ito ay magpapahintulot na madaling makatakas sa pananagutan ang mga kurakot na pampublikong indibidwal sa pamamagitan ng simpleng pagdeposito ng kanilang nakaw na kayamanan sa mga dollar account, samakatuwid, habang ipinanatili ang mga bunga ng katiwalian, maayos na nakatago,” wika niya.
Ikinalungkot ni Tañada na ang batas ay nilagay upang pagyabungin ang dollar supply at iangat ang mga investment, hindi para gamiting ligal na panakip at maging takbuhan para sa katiwalian at nakaw na yaman.
“Kapag ganito, para bang sinabi na natin sa kahit sino, mapapampubliko o pribadong indibidwal, ‘pag corrupt ka, mag-dollar account ka!,” sabi ni Tañada.