^

Bansa

Impeachment pinabagal ng mga tatakbong senador sa 2013 - Miriam

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Tahasang inakusahan kahapon ni Senator Mi­riam Defensor-Santiago ang mga nag-aambisyon umanong maging senador sa 2013 na nagpapabagal sa impeachment trial ni impeached Chief Justice Renato Corona.

Bagaman at absent pa rin sa Senado, nagawa ni Santiago na dumalo sa annual convention ng Philippine Society of Hypertension, and Philippine Lipid and Atherosclerosis Society sa Quezon City kahapon ng umaga kung saan sumentro ang kaniyang talumpati sa nangyayaring impeachment trial sa Senado.

Ayon kay Santiago, bawat senatoriables sa 2013 ay nagpipilit na tumayo sa impeachment court upang makakuha ng libreng media exposure.

Base sa pagtaya ni Santiago, tatagal pa ng hanggang limang buwan ang trial ni Corona na live na kino-cover ng mga malalaking istasyon ng telebisyon.

Pinuna rin ni Santiago ang ilang miyembro ng House of Representatives na kabilang sa mga prosecutors na lahat umano ay gagawin sa harap ng camera.

Matatandaan na bago pa man nagsimula ang impeachment trial sa Senado, iginiit na ni Santiago na huwag itong i-cover ng live ng media upang mas mapabilis ang paglilitis.

Samantala, absent pa rin Santiago sa ika-14 na araw ng impeachment trial.

AYON

BAGAMAN

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

DEFENSOR-SANTIAGO

HOUSE OF REPRESENTATIVES

PHILIPPINE LIPID AND ATHEROSCLEROSIS SOCIETY

PHILIPPINE SOCIETY OF HYPERTENSION

QUEZON CITY

SENADO

SENATOR MI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with