^

Bansa

Itigil ang trial!

- Nina Ludy Bermudo at Doris Franche -

MANILA, Philippines - Naghain ng tatlong pleadings sa Korte Suprema ang kampo ni Su­ preme Court Chief Justice Renato Corona para pigilan ang isinasagawang impeachment proceedings, pigilan ang pagtestigo at pagsusumite ng bank documents ng PSBank at BPI sa impeachment court.

Una ay ang urgent petition for certiorari and prohibition at writ of preliminary injunction kung saan hiniling nila na magpalabas ang Mataas na Hukuman ng temporary restraining order (TRO) upang hindi muna matuloy ang impeachment trial.

Nakasaad din sa 39-pahinang petisyon na ang impeachment complaint ay null and void dahil na-itransmit iyon nang walang notice o pagdinig kay Corona. Nakagawa rin umano ang impeachment court ng grave abuse of discretion.

Ang ikalawa namang pleading ay ang motion for inhibition laban kina Justices Antonio Carpio at Lourdes Sereno dahil sa lantaran umano nilang pagtuligsa kay Corona. Ang dalawa rin umano kasi ang napapaulat na pinagpipiliang pumalit kay Corona sakaling ito ay mawala sa pwesto.

Ang pagiging magkaribal sa pagitan nina Carpio at Corona ay isa umanong public know­ ledge, habang si Sereno naman ay lantarang sinubok ang kapangyarihan ng punong mahistrado at siya rin ay kabilang sa mga ipinatatawag bilang testigo ng prosekusyon.

Ang ikatlo ay ang motion for special raffle kung saan hiniling nila na agad na mairaffle ang inihain nilang pleadings.

Bukod pa ito sa ini­haing petition for TRO ng pamunuan ng PSBank.

Naniniwala ang bangko na nilabag ng subpoena ang Republic Act 6426 o ang Foreign Currency Deposits Act, na may ipinatutupad na confidentiality sa foreign bank deposits at tanging ang depositor lamang ang siyang may karapatan na magbigay ng karapatan na buksan ang kanyang bank record.

Ayon pa sa bangko, nagkaroon ng “grave abuse of discretion” ang Senate impeachment court nang atasan nito ang bangko na ilabas ang bank records ni Corona.

Posibleng magkaroon din ng criminal liability ang bangko hinggil sa pag­ labag sa RA 6426  kung saan nalalagay din sila sa posibleng suspensiyon ng Central Bank dahil sa pagtanggap ng mga bagong foreign currency deposits.

ANTONIO CARPIO

AYON

CENTRAL BANK

COURT CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

FOREIGN CURRENCY DE

KORTE SUPREMA

LOURDES SERENO

REPUBLIC ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with