Passport processing ng DFA sarado sa Peb. 13

MANILA, Philippines - Inianunsyo kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang gagawing proseso sa aplikasyon ng pasaporte sa Pebrero 13, 2012.

Ayon sa DFA-Office of Consular Affairs (OCA), sarado ang kanilang tanggapan sa Pebrero 13 kaya maging ang passport service at authentication ng mga dokumento ay sarado rin bunsod ng deklarasyon na ang nasabing araw ay special non-working holiday ng Parañaque local government.

Sinabi ng OCA na babalik ang kanilang operasyon sa Pebrero 14, 2012.  

Show comments