Ugaliing magbasa ng Bibliya - CBCP
MANILA, Philippines - Umapela ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga Katoliko na ugaliin ang pagbabasa ng Banal na Bibliya upang lalo pang mapagyaman ang pananampalataya sa Panginoon.
Sinabi ni Pampanga Auxiliary Bishop Pablo Virgilio David, chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Apostolate (ECBA), na sa pamamagitan ng pagbabasa ng Bibliya ay lalong mapapayabong ng tao ang kanyang pananampalataya at masusundan ng mga ito ang yapak ni Hesukristo tungo sa kabanalan.
Hinihikayat din ng CBCP official ang mga Katoliko na suportahan at makiisa sa isasagawang 19th National Bible workshop mula Pebrero 7 hanggang 12 sa Dumaguete city. Layunin ng workshop na pag-isahin ang layunin ng mga Diocese at Archdiocese sa bansa na ipalaganap at paigtingin ang pagbabasa ng Banal na Bibliya o ng Salita ng Diyos.
- Latest
- Trending