^

Bansa

Panibagong voter's registration sa ARMM hiling sa Comelec

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Hiniling ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo sa Commission on Elections (Comelec) na magsagawa ng panibagong voters’ registration sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) bilang preparasyon sa gagawing halalan sa lugar sa susunod na taon.

Sa sulat ni Robredo kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, sinabi nito na ang bagong round na voters’ registration sa ARMM ay makakatulong para pasimulan ang reporma sa lugar.

Hiniling din ng kalihim sa Comelec na pag-aralan ang trabaho ng mga election officers sa ARMM, lalo na ang mga sangkot sa pang-aabuso sa tungkulin noong nakaraang election.

Ang ARMM election na orihinal na itinakda para sa August noong nakaraang taon ay ipinagpaliban sa May 2013 matapos na lagdaan ni President Aquino ang Republic Act 10153, o ang batas na nagpapaliban sa halalan sa rehiyon.

Nitong December 2011 ay itinalaga ni Aquino ang da­ting Anak Mindanao party-list Rep. Mujiv Hataman bilang officer-in-charge governor ng ARMM.

Ang ARMM ay nabuo noong 1989 sa bisa ng Republic Act 6734 ang Organic Act, na kinabibilangan ng probinsya ng Maguindanao, Lanao del Sur, Basilan, Tawi-Tawi at Sulu.

ANAK MINDANAO

AUTONOMOUS REGION

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES

HINILING

MUJIV HATAMAN

MUSLIM MINDANAO

NITONG DECEMBER

REPUBLIC ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with